1
2
3
4
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
previous arrow
next arrow
TINGNAN: Senador Francisco “Tol” N. Tolentino at iba pang opisyales ng gobyerno namahagi ng Disaster Tools and Equipment sa ilang Local Government Units (LGUs) sa Lalawigan ng Batangas.

Ito ay bilang bahagi ng Touch of Life – Disaster Training and Equipment Assistance Program (DTEAP) ng tanggapan ni Senador Tolentino, kaagapay dito ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.

Ang nasabing programa ay naglalayon na mas palawakin at pag-igtingin ang kahandaan para sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad at iba pang insidente.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan, sa pangunguna ng ating Punumbayan JR Fronda at ang Tanggapan ng MDRRM ay lubos na nagpapasalamat sa mga gamit na ipinagkaloob.

Mabuhay po kayo!