20220819_103400
20220819_103431
20220819_103441
20220819_105635
20220819_124519
20220819_125714
20220819_131717
20220819_134035
20220819_135122
20220819_135427
20220819_135600
previous arrow
next arrow
20220819_103400
20220819_103431
20220819_103441
20220819_105635
20220819_124519
20220819_125714
20220819_131717
20220819_134035
20220819_135122
20220819_135427
20220819_135600
previous arrow
next arrow
TINGNAN: Noong August 19, sa pangunguna ng ating Mahal na Punong Bayan Mayor JR Fronda sa pakikipagtulungan ng Asia Society and Social Improvement and Sustainable Transformation (ASSIST) company, nagkaroon ng seminar training na nilahukan ng mga kabataan mula sa Brgy.8, Brgy. 9 at Brgy. San Juan na may kabuuan na bilang na humigit kumulang apatnapu (40).
 
Ang seminar training na naganap ay tungkol sa "Single Use of Plastics" na parte ng temang "Rethinking Plastics-Circular Economy Solutions to Marine Litter" na proyekto ng Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbiet (GIZ) GmBH at European Commission.
 
Dinaluhan ang seminar training na ito ng ating bagong Committee on Environment Hon. Vitaliano B. Santos Jr. kasama si Engr. Alvert V. Calingasan (OIC-MENRO) at mga staff ng MENRO Department.
 
Pinangunahan ni Konsehal Vitaliano "Jhun" B. Santos Jr. ang pagbubukas ng seminar training. Kasunod nito ay ang pagsisimula ng introduksyon at pagpapaliwanag nang tema ng aktibidad na pinangunahan nina Ma'am Hyacinth Magat (GIZ Adviser) at Ma'am Ena Taguiam (ASSIST Project Manager).
 
Kasunod nito ay ang pagtalakay ni Mr. Hector mula sa Philippine Transmarine Carriers Inc. (PTC) ng tungkol sa pagsasagawa ng Waste Analysis and Characterization Study (WACS) na kung saan ito ay patungkol sa porsyento ng mga basurang nagegenerate ng mga tao o barangay sa loob ng isang araw.
 
Bukod dito, nagkaroon din ng talakayan mula kay Ms. Wilhemina Garcia founder ng JunkNot Ecocreatives kung saan ang mga plastic o nareresiklong basura ginagawa nilang kapaki-pakinabang at ginagamit sa interior designing ng mga condo o bahay.
 
Pagkatapos ng talakayan, nagkaroon ng aktibidad ang mga kabataan sa larangan ng pagpipinta kung saan may kalayaan silang maipakita kung ano ang kanilang maaring gawin upang makatulong sa ating kalikasan na manatiling maganda at malinis. Dito, makikita ang pagkakaisa ng bawat bata sa pagbuo ng konsepto na nais nilang ipahiwatig. Sadya nga pong kay sigasig ng mga bata sa pakikipagkooperasyon kahit sila ay hindi magkakakilala.
 
Ang layunin ng seminar na ito ay upang ipakita at ipaalam sa mga kabataan kung ano-ano ang mga bagay na maaari nilang gawin sa mga nareresiklong basura at upang makatulong sa kanilang Barangay sa tamang pamamaraan ng pagsesegregate ng basura..
 
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at naging dahilan upang maging matagumpay ang ating seminar training na ito..