“We need to improve efficiencies in production and enhance projects and activities to ensure affordability and availability of food supply. I urge all Filipinos to be involved in gov’t – led actions to prevent food scarcity.”

Secretary William D. Dar
Department of Agriculture

Bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act, nabigyan ng ayuda ang 532 na Fisherfolks ng worth Php 5,000.00, na kung saan ang Php 2,000.00 ay para sa pagkaing itlog, manok at bigas at ang Php 3,000.00 ay Cash, sa pangunguna ng butihing Mayor JR Fronda, ng bayan ng Balayan, at sa tulong ni Gng. Cristeta Manguiat, Municipal Agriculturist. Ayon kay Gng. Cristeta, “Anumang effort, anumang biyaya na ipinagkakaloob sa atin pong mga kababayan, syempre po, ang nasa likod po nito ay ang ating butihing Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda, II”.

Pinangunahan ni Bb. Jennylyn Lubugan, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang nasabing programa. Isinaad niya na "nais po namin na ang ating mga marginal fisherfolks ay maging masaya ngayong araw ng pasko kaya po nagkaroon tayo nito. At nais lamang din po namin na linawin na ito po, yung cash and food subsidy, ay hindi po para sa closure. Ito po ay para sa panahon po na nagkaroon tayo ng COVID 19."

Dinaluhan ito ng ating mga kababayan na kabilang sa lehitimong rehistrado na fisherfolks ng 11 coastal barangays.

Labis ang saya sa mga mukha ng ating mga kababayan dahil sa kanilang mga  natanggap na tulong mula sa ating pamahalaan.

 

Isa sa mga masayang nakatanggap ay si Nanay Susan Duman ng Barangay San Piro, 15 taon nang mangingisda. Isa sa mga hindi niya malilimutan sa pangingisda ay ang panahon kung saan may bagyo, lubos ang kanilang nararamdamang takot. Sinabi din niya na ang kanyang maagang pamaskong natanggap ay ibibili niya ng kaunting gamit para sa darating na kapaskuhan.

“Ngayon tungkol po doon sa ating pangingisda, ang lokal na pamahalaan po ay patuloy ang paghanap ng solusyon doon sa ating problema sa  pangpangisdaan – ito ay tungkol sa seasonal closure na ginagawa kada-taon na kung saan ang mga commercial fishing vessels ay hindi pinapayagan na mangisda sa loob ng municipal water at bawal manghuli ng isdang matangbaka at galunggong. Kayo po ay umasa na ang ating mahal na Mayor JR Fronda at ang kanyang mga Konsehal sa Sangguniang Bayan ay hahanap ng solusyon para once and for all ay maayos na ang ating suliranin sa pangpangisdaan,” ipinahayag ng ating Municipal Administrator EnP. Gonzalo A. Baral, REA, REB. Sana sa pag uwi, siguraduhing bago lumapit sa pamilya, maglinis muna ng katawan at maghugas ng kamay,” dagdag na paalaala pa niya.

Kasama rin sa programa ang SB Committee Chairman on Agriculture na si Konsehal Benjamin Ascue-Codizal X. Nabanggit niya na, "tayo po ay nagpapasalamat sa kanila (BFAR) kahit po sa ganitong pandemya, mayroon po tayong patuloy na natatanggap para po tayo ay mapasaya." At nagbigay din ng isang paalala, “Sana po sa kabila po ng pandemya at sa mga pagtutok sa ating mga nararanasan ngayon ay huwag po nating kalimutan ang tunay na kahalagahan ng kapanganakan ng ating Poong Maykapal na si Hesus”.