Ipinagdiwang ng Bayan ng Balayan, sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II, ang paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng ating Pambansang Bayani na si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa tawag na Dr. Jose Rizal.

Si Gat Jose Rizal ay tunay na inspirasyon para sa mga modernong bayani ngayon na may hangaring magsilbi sa bayan lalo na sa panahong ating kinakaharap. Isa siyang modelo na maaari nating gayahin sa taglay nyang pagmamahal para patuloy na makabangon at maghilom ang ating bayan. Anumang pagsubok ang dumating at ating kakaharapin, hindi tayo magpapatinag bilang mamamayan ng ating bayan.

Kung mayroon tayong pambansang bayani na syang inspirasyon ng mga Pilipino, naririto rin ang Ama ng Balayan para magsilbing inspirasyon nating mga Balayeño.

Dinaluhan ng mga Department at Section Heads ng LGU Balayan, BFP, PNP, Amihan Guardians Loyal Botherhood, BHW, BNS, Knights of Columbus, Sixto Lopez Batulao Masonic Lodge No. 129, Liga ng mga Barangay, Balayan West District at Don Manuel Lopez Memorial District Hospital, Metro Balayan, VAWC at MWCC ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal kaninang ika-7:30 ng umaga.

Nandoon din ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na nagtagubilin ng iba’t ibang aral na ating babaunin sa pagtatapos ng taon at pagsalubong sa 2021.

 

 

 

 

 

Magpatuloy lamang tayo sa ating pagiging bayani sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan.

-ABC Pres. Julian de Roxas

 

 

 

Kaugnay sa ating tema, Nawa’y maging maganda at masagana ang tungo at direksyon ng ating 2021.

–Kon. Elmer Del Carmen

 

 

 

 

 

Ang mga librong akda at isinulat ni Gat Jose Rizal ay ang mga legasiya na kaniyang iniwan sa atin. Para maprotektahan at mapagyaman ang legasiyang ito, tayo po ay magpapasa ng ordinansa sa darating na Enero na pinamagatang “Balayan kong Mahal”

–Kon. Joebert Mapalad

 

Ang ating bayani kasama ng ating mahal na Punumbayan ay ang ating Tri-Bureau, RHU at mga Barangay Officials mula sa pagputok ng bulkan, paglaganap ng COVID-19 at sunod-sunod na bagyo. Bilang mga bayani, mabuhay po kayo at salamat sa inyong tulong na ibinigay sa bayan ng Balayan.

 

–Kon. Bernie Pantoja

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Napakaganda ng araw na ito upang gunitain ang pagpapakasakit at kadakilaan ng ating bayani, si Gat Jose Rizal. Isang paalala na lahat ay pwedeng maging bayani kahit sa munting paraan lalo na ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols para sa kaligtasan ng ating pamilya. “Naniniwala akong matatapos at mapaglalabanan natin ang pandemyang ito.”

–Kon. Raymund Nonnatus De La Vega

 

 

Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ang ating Municipal Administrator na si EnP. Gonzalo A. Baral, REA, REB, kung saan buong puso niyang pinasalamatan ang ating pambansang bayani, “Someday, sabi ko, if I will be given a chance na kaunti man lamang na serbisyong ibinigay mo sa kapwa Pilipino ay maeequal-an naming mga Balayeño. And thank you for giving to us an inspiration. Matatapos na po ang taon, taon ng pagsubok, taon ng maraming problema pero taon kung saan nasubok ang ating pagkakaisa.” Kanya ring pinasalamatan ang Tri Bureau, DepEd at lalo’t higit ang ating butihing Mayor Jr Fronda na nagbigay din sa atin ng inspirasyon at siya ring itinuturing na bayani ng ating bayan.

 

 

 

 

Dumalo rin ang isang mahalagang panauhin na si Mam Liza Ermita-Abiad, bilang kinatawan ng ating Ina ng Unang Distrito na si Congswmn Eileen Ermita-Buhain. Kanyang pinaalala na “Kung tayo po ay dapat maging bayani, hindi lamang ho ito para sa ating bayan, kundi maging sa ating mga tahanan. Kagaya ho ng ating mga magulang na naging bayani sa pagtya-tyagang nagtuturo sa mga anak nila. Alalahanin din po natin ang pagiging bayani ng ating mga frontliners, sila po ang tumutugon sa lahat po ng may sakit. Sana po ay huwag tayong mawalan ng pag-asa at parating manalig sa Diyos, dahil sa Kanya lang tayo makakakuha ng lakas.”

 

 

 

 

 

Sunod na nagbigay ng mensahe ang ating punumbayan na nagbilin na “Where we look is where we go. Let us AIM for success and don’t let it go.” Ito ay naaayon sa kanyang programang AIM na ang ibig sabihin ay Adapt, Innovate, Maintain para sa patuloy na tagumpay, ikabubuti at higit sa lahat ay ikauunlad ng ating bayan. Dahil sa pinagdaanang pagsubok, marami tayong natutunan, sinubok ng maraming sakuna na dumating sa bayan at kailanman hindi tayo sumuko at patuloy na lumalaban. Bilang pagsunod sa ating tema, tulad ng ating pambansang bayani, nais nya na “Magkaroon ang taumbayan ng inspirasyon kung ano ang tamang gawin para sa ating bayan.”