1
2
3
4
6
7
5
8
9
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
6
7
5
8
9
previous arrow
next arrow
TINGNAN: Noong Nobyembre 14, 2022, inilunsad ng Center for Health Development IV-A CALABARZON at Provincial DOH Office ang pagdiriwang ng Philippine Antimicrobial Awareness Week sa tulong at partisipasyon ng Municipal Health Office (MHO)-Balayan. Ito ay nilahukan ng mga Barangay Health workers (BHW) at staff ng MHO-Balayan na may kabuuang bilang na humigit kumulang isang daan at dalawamput lima (125).

Pinangunahan ni Dra. Haide Dalawampu-Loyola (MHO) ang pagbubukas ng seminar. Kasunod nito ang mensaheng nagbibigay inspirasyon mula kina Dra. Elizabeth V. Sario (PHTL-Batangas), at Konsehal Raymund Dela Vega (SB for Health).

Sinimulan ni guest speaker Public Health Pharmacist Mr. Bryan Posadas, Rph ang talakayan tungkol sa Anti-Microbial Resistance kung saan sinabi niya na upang maiwasan ang antimicrobial resistance, kinakailangan na kumpletuhin ang “full course of prescribed antibiotics”. Sinundan naman ito ng pagpapaliwanag nina Ms. Catherine Ulit, Rph tungkol sa Rational Use of Medicine (RUM) at Ms. Fatima Camille Asilo, Rph tungkol sa Generics.
Lubos ang aming pasasalamat sa suporta ng ating butihing Punong Bayan Mayor JR Fronda, Vice Mayor Efren Chavez kasama ang buong Sangguniang Bayan at Municipal Health Officers.