1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
previous arrow
next arrow
Nagkaroon ng tatlong (3) magkakahiwalay na pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga Balayeños ngayong buwan ng Nobyembre. Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor JR Fronda at Gng. Rea Angelica Roxas-Salazar, MSWDO.

Una ay ang Unconditional Cash Transfer na ipinamahagi sa 887 na Senior Citizens ng Balayan noong Nobyembre 5, 2022 sa old Municipal Covered Court. Naisakatuparan ito sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Balayan sa DSWD Region IV-A.

Pangalawa, ang pamamahagi ng Financial Assistance noong Nobyembre 7, 2022 sa 841 benepisyaryo, kung saan dumating si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Cong. Eric Buhain at Kgg. Eileen Ermita – Buhain, Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II, Vice Mayor Atty. Efren Chavez, at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan upang saksihan ang pamamahagi sa Aide for Individual in Crisis Situation (AICS) Program beneficiaries.

At noong Nobyembre 15, 2022, sa tulong ng FPJ Partylist na pinamumunuam ni Mayor Valentino Patron, kasama ang kanilang kinatawan na si Mr. Mark Patron ay nabigyan ng ayuda ang 1,660 rehistradong miyembro ng TODA sa Balayan. Nagbigay din ng mensahe ng pagbati si Mayor JR Fronda at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Maraming Salamat po sa mga hatid ninyong tulong sa mga Balayeños!