Mayor JR Fronda habang ipinapaliwanag ang mga plano sa Balayan gamit ang mapang binigyang-datos ng Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA)

Congswmn Eileen Ermita-Buhain na nagbigay mensahe sa mga miyembro ng Municipal Development Council

Municipal Administrator EnP. Gonzalo Baral, REA, REB habang tinatalakay ang mga detalye ng mga planong isinasagawa para sa bayan ng Balayan

Ang ating MPDC, EnP. Minerva Codizal, habang ipinahahayag ang Local Development Investment Plan (LDIP)

Noong Ika-4 ng Disyembre nang nagsagawa ng programa ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan sa paaralan ng Balayan National High School, patungkol sa pagpapasa sa mga plano para sa naturang bayan sa harap ng mga miyembro ng Municipal Development Council kabilang ang 48 barangay, NGO’s, department heads at DSWD Regional Office representatives. Sa pangunguna ng ating Municipal Planning and Development Coordinator na si EnP. Minerva Codizal, ay napagtalakayan ang tungkol sa “6-yr Comprehensive Development Plan (CDP)”, “3-yr Local Development Investment Plan (LDIP)”, “1-yr Annual Investment Program (AIP)”, at “Annual Investment Management Plan of Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)” . Dumalo at naglaan ng oras ang ating Congswmn. Eileen Ermita-Buhain upang suportahan ang mga planong ito para sa ikauunlad ng bayan ng Balayan, sa panahon ng paglilingkod ng ating butihing punumbayan Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda, II. “Huwag tayong magsawang paalalahanan ang mamamayan na magsuot ng facemask. Tayo’y mag-ingat, kumain nang tama at mag-exercise”, tagubilin ng ating Congswmn Eileen Ermita-Buhain. “Magtulungan tayo, magkasama tayong babangon. Patuloy lang tayong huwag mawalan ng pag-asa,” dagdag pa niya.

 

Binigyang linaw ni Sir Abet Sandoval, ang ating DILG Officer, na ang mga planong ito ay “Hindi lamang vision ng LGU kundi ito ang gusto ng bawat isang Balayeño.” Ipinaliwanag din ng ating Committee Chair on Finance na si Kgg. Kon. Joebert Mapalad na “hindi tatakbo ang budget kung wala ang mga planong ito.”

 

Sa ginawang pagbubuo ng mga plano ng MPDC, ang mga ito ay tiniyak na naaayon sa Philippine Development Plan para sa pagpapatupad sa lokal na pamunuan. Inumpisahan ang mga planong ito sa pagbanggit sa AMBISYON 2040 na naaayon din sa Sustainable Development Goals ng United Nations, kabilang na ang Pilipinas.

 

Ibinahagi din ng ating Municipal Administrator na si EnP. Gonzalo Baral, REA, REB ang mga plano para sa Proposed Industrial Road na dadaan sa mga barangay ng Tanggoy, Dalig at Palikpikan. Nais din ng ating pamunuan na maging Disaster-resilient ang mga lugar na ito habang may itinatayong mga imprastruktura. Bukod pa rito, ay may bubuksang interior na daan para mas maginhawa ang ating mga motorista at di na kakailanganing dumaan sa highway. Sinisimulan na rin ang ating Government Center, Slaughter House, Riverwalk, at pinaplano na rin ang extension ng Baywalk, kabilang na ang mga Fish Port, Fish Landing, Bayside Foodpark, Seawalk at Coastal Road. Kaakibat ng mga ito, at sa tulong ng mga donasyon at nabiling lupa mula sa mabubuting mamamayan ng Balayan, kanyang ipinahayag na “Sa kabila ng ating sitwasyon ngayon, nakakita tayo ng dahilan para magkaisa, magkasama-sama at makahugot ng solusyon para makaahon at malagpasan ang kinakaharap nating sakuna”.

 

Ipinahayag din ng ating Mayor JR na sa lahat ng kanyang plano para paunlarin ang ating bayan ay isa na lamang ang hindi nasisimulan—ito ay ang Municipal College na syang papalit sa dating Munisipyo, at maisasakatuparan ito kapag pormal nang binuksan ang bagong Government Center na alam niyang magiging posible sa tulong ng ating pagkakaisa para sa Balayan. Kanya ring tinuran na “Hindi ko pinangarap ang maging pulitiko, ang pinangarap ko ay ang maging Mayor, kaya yun ang ginagampanan ko.”  Binigyang linaw nya na ang gusto nya ay para sa ikabubuti ng ating bayan at “ang pagiging leader ay nasa pagmamahal sa tao.”

 

 

 

 

Mga miyembro ng Municipal Development Council