1
2
3
4
5
6
7
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
5
6
7
previous arrow
next arrow
Ika-21 ng Nobyembre 2022 sa ganap na ika-9:00 ng umaga, nagdaos ng kanilang ika-sampung Buwanang Pagpupulong ang “Batangas League of OSCA Heads na ginanap sa bagong munisipyo (Balayan Government Center) Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas.
Ang pagpupulong ay sinimulan sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay OSCA Head Balayan Demetrio Q. Agquiz. Sinundan ito ng panimulang mensahe mula sa ating MSWD Officer na si Mrs. Rea Angelica Roxas-Salazar kung saan ay malugod na tinanggap ang ating mahigit 20 OSCA Heads na dumalo sa nasabing pagpupulong. Tinalakay rin niya ang mga programang may kinalaman sa kapakanan at kagalingan ng ating mga Senior Citizens. Isa na rito ay ang taunang pagbibigay ng halagang P1,000.00 sa lahat ng mga senior citizens ng ating bayan ng Balayan na naisakatuparan sa pamumuno ng ating Kagalang-galang Mayor JR Fronda at sa pakikipagkaisa ng Sangguniang Bayan. Pagkatapos ng panimulang mensahe ay inumpisahan na ng kanilang over all President OSCA Head Alice Reyes ng Sta. Teresita ang kanilang “agenda” ng nasabing pagpupulong. Pinag-usapan nila ang tungkol sa nalalapit nilang year end assestment. Sumunod ang UCT pay out ng iba’t ibang bayan kung saan napag usapan ang kani-kanilang mga karanasan at kinaharap na problema tungkol sa nasabing pay-out. Sa gitna ng talakayan ay pansamantala itong itinigil sapagkat dumating ang ating butihing Mayor JR Fronda at ang lahat ng ating panauhin ay kanyang malugod na tinanggap sa ating bayan. Ikinuwento niya kung paano naitayo ang ating bagong munisipyo at kung gaano sya kasaya na naisakatuparan ang matagal na niyang pangarap para makapagbigay ng mas maayos at mas kapaki-pakinabang na serbisyo para sa ating mga taga Balayan. Katulad ng nabanggit ng ating MSWD Officer Rea Angelica Roxas-Salazar ay tinalakay din niya ang tungkol sa P1,000.00 ayuda na ibinibigay sa lahat senior citizens ng Balayan. Makikita sa mga reaksyon ng mga panauhin ang paghanga at pagka giliw sa ating butihing Mayor. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na siya sa mga panauhin.

Itinuloy ang pagpupulong matapos makapag paalam ang Mayor. Napagtalakayan din ng samahan ang tungkol sa P5.00 na binabayaran ng lahat ng registered senior citizens at kung bakit ito ipinatutupad. Nagkaroon ng mahabang diskusyon kung saan pinagtapusan na ito ay talakayin na lamang sa pagpupulong ng SC Federation Presidents ng bawat bayan. Sa katapusan ng pagpupulong ay pinag usapan nila ang lugar at petsa ng kanilang year end assessment. Bago tuluyang umalis ang mga panauhin ay binigyan sila ng regalo mula sa ating butihing Mayor JR Fronda at nagkaroon ng pagkakataon na makapagpakuha ng larawan kasama ang ating mahal na Mayor.

Ang pagpupulong ay natapos sa ganap na ika-2:00 ng hapon.