Let's Get Ride Balayeños!

Alinsunod sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan Act 2) na nakasaad sa RA 11494 na inilunsad ng Nasyunal na Gobyerno kaugnay sa pandemyang kinakaharap partikular sa transportasyon ay nagsagawa ng programa ang Lokal na Pamahalaan ng Balayan na bahagi ng Balayanihan Ordinance No. 745 (2020 – 08) na isinulong ni Kgg. Joebert Mapalad na nagtatalaga ng Balayanihan Day na ang konsepto ay ang araw ng pagbibigayan at pagtutulungan dito sa bayan ng Balayan. Pinangunahan ni Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda, II kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at ibang lingkod bayan na kung saan ay binigyang pansin ang sektor ng transportasyon at nilaanan ito ng pondo para mabigyan ng bisikleta ang mga piling manggagawa ng bayan ng Balayan. Nagbigay ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga dumalo sa nasabing programa. Nakisama sila sa pamamahagi at isa sa sumama sa Ceremonial Rides, ay si  Kgg. Benjamin Tobob Garcia – Ascue X, na bahagi ng nasabing program na kung saan ay umikot sa Poblasyon sakay ng kani – kaniyang bisikleta.

Noong Ika-16 ng Enero, 2021, ganap na ika-5 ng umaga sa Balayan Baywalk ay ipinamigay ang humigit kumulang 65 na bisikleta sa ilang piling manggagawa ng bawat establisyimento katulad ng mga ospital, bangko gayundin ang ilang mga magtitinda sa Public Market.

Ang mga bisikleta na naipamigay sa ilang mamamayan ay para makatulong sa kanilang mga hanapbuhay nang sa gayon ay hindi rin sila mahirapan sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. Ang pagbibisikleta ay mabuting ehersisyo na kapaki-pakinabang at kalugud-lugod. Sa panahon na maraming tao ang nababahala sa kanilang kalusugan, ang paglalakbay sakay ng bisikleta ay karapat-dapat mong isaalang-alang. Labis naman ang kasiyahang nakita sa kanilang mga mukha nang matanggap nila ang libreng bisikleta na ibinigay ng butihing Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II.

Distribution of Bicycle

Hon. Benjamin Tobob Garcia - Ascue X with other bicycle recipients

Ceremonial rides around Balayan Poblacion

Hon. Bernardo C. Pantoja

Sinundan ng isang mungkahing Resolusyon ni Kgg. Bernardo Pantoja na mabigyan din ng bisikleta ang ilang Frontliners ng bawat Barangay kaugnay ng programang inilunsad ni Mayor Jr Fronda.

Nais ng butihing Mayor Jr Fronda na magkaroon ng Bicycle day upang maging ligtas na makapagbisikleta ang mga taga balayan. Pangarap din niya na magkaroon ng Bicycle Lane na mahigpit na pinag aaralan upang maisakatuparan sa tulong ni Atty. Efren Chavez, Municipal Legal Officer, dahil ang problema ay maliit ang mga daan sa Town Proper ng Balayan. At dahil dito ay hindi pwede na basta basta magbisikleta gayundin naman sa highway mas delikado kaya nais niyang makagawa ng sariling ruta para magamit nila sa pag eehersisyo at para sa mga ng nagbibisikleta. Dinagdag pa niya na susundan ito ng mga batas para maging protektado ang bawat isa.

Hon. Emmanuel Salvador P. Fronda, II