1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
previous arrow
next arrow
Kasabay ang pagsalubong kay Haring Araw ay isinagawa ang motorcade kasama ang mga VAWC Officers at Sangguniang Bayan Members, ganap na ika-anim ng umaga bilang pagpapakita ng suporta ng Pamahalaang Bayan sa “18 Day Campaign To End VAWC”.

Kasunod nito ay isinagawa ang regular Flag Raising Ceremony ng lokal na Pamahalaan ng Balayan sa pangunguna ng piling kawani mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD). Matapos nito ay pinagtibay at pinangunahan ni Punong Bayan Emmanuel Salvador P. Fronda II ang panunumpa sa kanilang tungkulin ng mga bagong talagang Municipal Parents – Teachers Association Federation.

Kanya ring buong galak na ibinalita ang ilang “priority investment opportunities” na ayon pa sa Alkalde ay patuloy na magdadala ng kaunlaran sa bayan ng Balayan. Kaugnay nito, muli niyang pinaalalahanan ang bawat empleyado ng munisipyo sa kanilang tungkulin at responsibilidad bilang mga kawani ng gobyerno.
“Kaya kayong lahat ay hinihikayat ko na simula sa araw na ito ay mas doblehin pa natin ang ating trabaho. At lagi nating isapuso na ang pagtatrabaho natin sa gobyerno ay hindi lamang para magkaroon ng sweldo, kundi bilang isang kawani na buong pusong nagseserbiyo,” bigay-diin ni Mayor JR.

Bago pa man matapos ang makabuluhang araw na ito ay nagtungo sa tanggapan ng Punong Bayan ang Police Community Affairs and Development Course (PCADC) Class 06 – 2022 mula sa Batangas at Cavite PPO. Kanilang inilatag ang kanilang mga programa para sa pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa komunidad at kanilang pagtataguyod sa paglahok at partisipasyon sa mga gawaing lubhang mahalaga at bahagi ng kanilang operasyon. Masayang namang natapos ang pagpupulong na may liwanag sa bawat mukha at matatamis na ngiti sa kanilang mga labi dala-dala ang bagong pag-asa sa mas mapayapa at maunlad na komunidad kabalikat ang kapulisan.