DSC_0096
DSC_0031
DSC_0029
DSC_0038
DSC_0012
DSC_0014
DSC_0016
DSC_0034
DSC_0059
DSC_0061
DSC_0070
DSC_0075
DSC_0095
DSC_0099
DSC_0102
previous arrow
next arrow
DSC_0096
DSC_0031
DSC_0029
DSC_0038
DSC_0012
DSC_0014
DSC_0016
DSC_0034
DSC_0059
DSC_0061
DSC_0070
DSC_0075
DSC_0095
DSC_0099
DSC_0102
previous arrow
next arrow
โ€œ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ป๐—˜๐—ฌ๐—˜, ๐—™๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜! โค๏ธโ€
 
Ang Pamahalaang Lokal ng Balayan ay nagsagawa ng serye ng mga aktibidad patungkol sa mga pangangailangan ng mga Balayeรฑos sa serbisyong medikal sa mata. Ito ay naging posible sa pakikipag-ugnayan sa Sierra Eye Center, isang pribadong clinic sa Santo Tomas, Batangas.
 
๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ โ€“ Nagkaroon ng โ€˜ocular inspectionโ€™ sa pangunguna ni Mayora Leslee Fronda, Konsehal Joebert Mapalad, Dr. Haide Dalawampu-Loyola, Dr. Liza Carmelli Chua, at Gng. Leona de Roxas. Tiningnan dito ang proseso na pagdadaanan ng mga pasyente ukol sa serbisyong medikal na kanilang kakailanganin.
 
๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ - Labing-dalawang (12) mamamayang lokal ng Balayan ang sumailalim sa libreng eye-check-up upang malaman ang eksaktong kondisyon ng kanilang paningin at kung anong klinikal na pamamaraan ang kailangan gawin upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Base sa pagsusuri ni Dr. Jay Ernst Joble, ophthalmologist ng Sierra Eye Center, karamihan sa mga pasyenteng ito ay nangangailangan ng operasyon sa katarata.
 
๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ - Sa muling pagbalik nila Mayora Leslee, Dr. Chua, at Gng. De Roxas, isang matagumpay na libreng operasyon ang naisagawa. Walo sa labing-dalawang pasyenteng una nang nasuri ang naoperahan. Sila ay tinuruan din ng tamang pangangalaga sa kanilang mata na may kaugnayan sa kanilang pinagdaanang operasyon.
Hindi dito natatapos ang libreng serbisyo na ipinagkakaloob ng Sierra Eye Clinic katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Balayan. Ang mga nasabing benepisyaryo ng programa ay muling babalik sa September 2 para sa kanilang โ€˜post-surgery checkupโ€™.
 
Magkatuwang na Adbokasiya.
Bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng Sierra Eye Clinic ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at operasyon sa mata para sa mga piling pasyente sa ibaโ€™t ibang bayan sa lalawigan ng Batangas. Bilang bahagi naman ng adbokasiya ni Mayora Leslee Fronda, ang Pamahalaang Lokal ng Balayan ay isa sa mga aktibong katuwang ng mga pribadong institusyon patungkol sa pagbibigay ng serbisyong medikal para sa mga nasasakupan nito.
 
Ang initiative na ito ay isa lamang sa marami pang adbokasiya ng Pamahalaang Lokal na naglalayong mailapit sa mga Balayeรฑos ang mga serbisyong pangkalusugan. Gayundin, naghahanda ang Municipal Health Office sa pagsasagawa medical screening upang mas mapadami ang pwedeng makatatanggap ng libreng serbisyong medikal para sa mata sa mga nasasakupan ng Pamahalaang Lokal ng Balayan.