Unang araw ng pamamamhagi ng ating Lokal na Pamahalaan sa Pangununa ng ating Mahal na Punumbayan — ng mga buhay na manok para sa ating mga kababayan Dahil sa patuloy pa din ang paglaban natin sa covid 19 ang Isa sa mga naisip ng ating Mayor Jr Fronda ay ang plano ang pamimigay ayuda gaya ng mga manok, dahil tayo ay isang bayan na may pinagkukuhanan ng pang agrikultura at agad naman niyang tinugunan ngayong araw. Minarapat at sadyang ito ang naisip upang hindi sa lahat ng pagkakataon ay canned goods ang maipamahagi bilang relief goods para sa ating mga kababayan, itoy dahil na rin isang paraan upang manatiling malakas ang resistensiya at ang ating pangangatawan. Samantala makakatanggap pa ang ibang barangay sa mga susunod na araw. Minabuti ng ating Mahal na Punumbayan na mabigyan ang lahat ng pamilya sa bawat baranggay ng upang sa ganun ay masigurado na walang maiiwan sa pamamahagi ng tulong.