1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
previous arrow
next arrow
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
previous arrow
next arrow
Makasaysayan ang petsa ng ika-23 ng Nobyembre taong 2022 hindi lamang sa Bayan ng Balayan kundi sa buong Pilipinas kung saan ginunita ang Ika-Isang Daa’t Limampung Kaarawang Anibersaryo ni Gng. Clemencia Lopez. Naging posible ang makasaysayang araw na ito sa pamamagitan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at Pamunuan Bayan ng Balayan sa pangunguna ng Mahal na Punumbayan Mayor JR Fronda at Bb. Mary Grace Layola (Kagawaran ng Turismo).

Nag-alay ng bulaklak at nagbigay ng mensahe para kay Gng.Clemencia Lopez sina Bb. Vicky Lopez, Kgg. Mark Leviste II at Gng. Carminda R. Arevalo. Nagsagawa naman ng Gun Salute ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas bilang pagbibigay pugay at pagkilala sa kabayanihan at natatanging kontribusyon ni Gng. Clemencia Lopez sa kasaysayan ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Mayor JR na sa loob ng kaniyang termino ay kanyang higit na tututukan ang mga programa at proyektong pangkababaihan kung saan bahagi nito ang hangarin na magkapagtayo ng Center for Women para sa memorya ni Clemencia Lopez at bilang pagbibigay karangalan sa kanyang naging ambag sa lipunan upang maitaas ang antas ng mga kababaihan.
Bilang pasasalamat ng Sangguniang Bayan ng Balayan ay iginawad kay Gng. Clemencia Lopez ang Plake ng Resolusyon na nilikha ni Konsehala Raquel R. Aniwasal na pinamagatang, “RESOLUTION RECOGNIZING CLEMENCIA C. LOPEZ OF BALAYAN, BATANGAS ON THE OCASSION OF HER 150TH BIRTH ANNIVERSARY ON NOVEMBER 23, 2022, AS ONE OF THE FOUNDING MEMBERS OF THE PHILIPPINE FEMINIST ASSOCIATION AND THE FIRST FILIPINA TO STEP INTO THE WHITE HOUSE”.

Naging bahagi rin ng makasaysayang araw na ito ang buong pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Balayan kasama ang Sangguniang Bayan Members, Pamilya Lopez, G. Eufemio Agbayani III, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, mga kinatawan sa Unang Distrito, Sandatahang Militar sa Pangunguna ni Colonel Eugene Osias, PMAJ Domingo Deinla Ballesteros Jr. (Kapulisan ng Balayan), mga opisyal ng Panlalawigan ng Batangas, at ang Girl Scout and Boy Scout of the Philippines.